Monday, April 3, 2017

Ang hiwaga ng ulan

Malamig na umaga na sinamahan pa ng pag-ulan. Ang paslit na ako'y nasa terasan at nakaupo sa aming tarangkahan, malungkot, umaasang titigil ang ulan upang makalabas at makapaglaro na kasama ang mga kaibigan. Pumanhik ako sa bigkas ng pundasyon kung saan nakalagay ang mga halaman ng aking lola. Kita dito ang daan, kung saan dapat ako naglalaro ng habulan, taguan, tumbang preso at marami pang iba kasama ang mga kaibigan. Napakalaki pala ng kaibahan kapag maaraw at maulan. Dati'y ako'y malaya ngunit bihag na ngayon ng aming bahay.
Pumukaw sa aking atensyon ang mga nag-uunahang patak ng tubig na galing sa aming bubong tila bang ako'y iniinggit sapagkat may kasama silang magsaya sa peligro na ito. Nakakainis at ako'y nagalit sa mundo bakit pa kase nangyari ito.
Naputol ang aking hiraya nang tawagin ang aking ngalan, ang aking nakakatandang pinsan ay nasa labas ng aming bahay, basang-basa ng ulan at iniinbitahan akong sumali sa kanya na maligo sa ulan. Umiling lang ako at tinanggihan ang kanyang alok sinabi na  nangangamba si inay na magkasakit ako. Pinipilit talaga ako ng aking makulit na pinsan na ngumunguso pa habang nagsasalita. Sakto namang lumabas ng sala ang aking lola na nakita ang aking pinsan na ngayo'y nagtatatakbo sa baha na daan marahil para inggitin ako. Tinawag ng siya ng aking lola at pinaaalahanan na mag-ingat siya. Nakinig naman ang pinsan at humingi ng permiso na samahan ko siyang maligo sa ulan. Pangako niya na babantayan niya ako at hindi kami magtatagal. Wari niya'y ayaw ni inay na ngayong natutulog pero pumayag pa rin siya, madalang lang naman daw ito. Milagro sa peligro! Akalain mong 'di ko na kailangang maghintay na umaraw para makapaglaro sa daan?
Kumaripas ako ng takbo papalabas dahil sa pagkatuwa. Abot ng aming musmos na tuhod ang baha ngunit 'di sapat na rason upang pigilan ang pagtatampisaw namin sa ulan habang nakahiga sa daan 'di alintana ang kahit na ano para sa ikakasaya ng aming mga puso. Ibinida sa akin ng aking pinsan ang mala-talon na alulod na kanyang nadiskubre 'di kalayuan sa aming bahay. Pinuntahan namin ito at sabay kaming nilamon ng malakas na tubig at nagsisisigaw kung gaano kalamig ito. 'Di  mawala ang mga ngiti sa aming bibig at galak sa aming puso ng dahil lamang dito. Nilibot namin ang aming lugar at nasaksikhan ko sa unang pagkakataon ang hiwaga na dulot ng tubig ulan habang nagpapadausdos sa bubong ng mga bahay, ang malumanay na pag-agos ng tubig sa mga kanal at ang kagandahan ng mga matatayog na puno habang sumasayaw sa musika ng ulan. Napakaganda. Ignorante pala ako sa mahika ng ulan at ayoko nang matigil pa ito. Inuwi na ako ng pinsan ko makaraan ang ilang oras dahil na rin sa pag-tigil ng ulan. Sakto at gising na ang inay ko, handa na ang aking puwet na makatikim ng mga madidilim at mahahapding sandi ngunit inabutan niya lamang ako ng tuwalya at tinanong kung naging masaya ba ako. Bagamat musmos pa lamang ay kapos pa sa salita upang ipaliwanag ito.

Para bang kumakain ako ng paborito kong bistek sa mainit na kanin. Masarap at  wala na akong hihilingin pa.

Sunday, August 14, 2016

Keka yu

Adwa naku palang dekada mabye kening yatu.
Makasawa at makapagal rin pala
ing lalakad king kalbaryu naning bie.

Impyernu, ing mundu na iti.
Ita ing ipagtantu ku keng
adwang dekada a pamangisnawa ku.

Mangisnawa ku pa pero sapak a pasakit
ing maka adya sumubuk king pamagkatau ku,
lalawen kung anggang nokarin ku.

Sapak a problema,
responsibilidad ing atyu kareng pago.
Manenaya na arapan ku.

Inarap ku no reng alwa.
Ing tutu na nini,
sinawa at mapagal na ku.

Makapagal at makasawa pala ing kakabie keni.
Bisa nakung magpaynawa at mattud namu.
Kalingwan ku namu ing egana-gana.

Mamag-asa ku na ing egana-gana kalingwan da na ku.
Aburen na naku at magdatun naku mu
keng inapag a pagkeran ning yatu para kaku.

Pero dahil kareng tau a makapalibut kaku,
migising ku keng pamanudtud ku.
Susuporta at lulugud andiyang pakanini ku mu.

Ala kung meging dahilan para e magpatuluy keng lakad
dahil atyu kayu keng gulut ku.
Manulak at manyabing agyu ku pa pag susuku naku.

Eku sinuku king egana-ganang pagsubuk
a binye ning mundu dahil keka yu.
Alang meging masakit, alang mabayat.

Mabayat a pasakit a pinatung da kaku
a dala ke dahil atyu kayu keng siping ku
meki bwot keng dadalan ku.

Mamamin ku na mayna ku mu.
Ala kung silbi pero madakal ku pala agawa
kung atyu kayu.

Tutu na impyeru ya ining yatu pero
kung ikayu ing kayantabe, langit.
Langit ya.

Ing yaku ay meging yang yaku dahil
kareng ambag yu keng pamagkatau ku.
Tune kung asabi na alwa yaku ini kung ala ka yu.

Madakal a salamat,
ala kung apagmaragul kening yatu
kung ali ikayu mu.

Kinumpletu yu ku
at kukumpletwan yu pa.
Madakal a salamat at ituluy taya ing pamaglakad kening yatu.

Thursday, February 4, 2016

Sapat

'Di ko alam kung paano nga ba sisimulan ang sulatin na ito. 'Di ko alam kung ano ang sasabihin ko, sapagkat ang lahat ay nag-uumapaw para bang tulad ng tubig sa sinasaing na kanin at timba na punong-puno ng tubig. Ikaw ang may sala kung bakit ako gan'to at bakit ganyan. Ang lahat ay patag na simula pa noong una, payapa, tahimik at sapat pero magsimula ng narinig ko ang ngalan mo, nakita ko kung sino nga ba ang taong humahawak nito at makadaumpalad ko kung sino ka nga bang talaga, ang lahat ay nagbago.

Ang lahat ng "sapat" na umaga ay naging masaya. Maiinit na tanghali na kaantabay ang mga puno ay sinilungan pa ng mga ulap at mga gabing kasama ang tala ay dinagdagan pa ng buwan. Kakaiba nga talaga ang taglay ng pagkatao mo, aking minamahal. Lahat ng bagay ay nadadagdagan pa kahit "sapat" na.

Ang lahat ng simpleng bagay na nakikita't nagagawa ko noon pa man ay iba ang dulot na ligaya sa tuwing kasama ka. Ayoko nang matapos ang bawat sandali, oras, minuto at segundo sa tuwing kapiling ka. Sa tuwing darating na ang oras na ihatid ka, napakasakit sapagkat parang iniiwan ko na rin at hinahatid sa malayo ang aking kaligayahan.

Pero totoo nga, ang lahat ng bagay sa mundo ay mayroong hangganan. Ang maningning mong ngiti ay dumilim na, ang mahigpit mong yakap ay maluwag na at ang mainit mong pag-ibig ay lumamig na. Dumilim ang aking mundo magsimula ang ilaw ang umalis na. Pilit ko na lamang sinasariwa ang mga panahong perpekto ang lahat pero parang mahirap na yatang maibalik sapagkat pinili mong umalis at iwan ako dito sa aking "sapat" na buhay.

Thursday, July 24, 2014

Untitled

Your love that strangled me,
          that transformed me,
          to a whole new person.
Your love that strived me,
          to push forward
          even unsure what is in the end.
Your love that bind me,
          leading me to the deeper waters.
          Guiding me, holding me.

My heart overjoyed,
         thought it will be for eternity.

But you left me..

Thought that loving and waiting for you is the answer.
But all is vain, and you found an another.


-Incomplete-

Sunday, February 9, 2014

Relentless

Thousands of streets we're afar from each other.
Kilometers, miles or even greater.
Even with your sweetest Hello,
   that makes my joy to top.
Or even without your smile,
   that makes my heart stop.
Even with that awkward feeling,
   whenever we see each other.
Or even without shedding a single word,
    whenever we're closer.
Even though your joy now,
    comes from a different man.
Even though your heart now,
    is captivated by other man.
It does not matter,
    as long as you are who you are.
My feelings for you,
    never change, never be broken.
Like the love of God,
    eternal and never fade away.

Thursday, December 19, 2013

Second string

I love you.
Though you didn't like me.
I gave you my everything.
And found it lacking.

Tuesday, December 17, 2013

Sunday, December 15, 2013

Martyr Love

      Ang hirap sa paghihintay ay iyong kung totoong mayroon ba itong kapupuntahan. Itong paghihintay ay para lamang sa mga martyr na handang magpakamatay, igugol ang buong buhay para sa minamahal. Gawain ng mga tunay na nagmamahal kahit na walang kasiguraduhan. Paghihintay sa pangarap natila bang papalapit na. Animo'y isang tala, na hinihintay upang bumaba. Handang ibuwis ang natatanging oras, upang maghintay sa minamahal. Kalimutan ang lahat, naka ligid na mga taga hanga, ngunit hindi pansin sapagkat sinusunduan ang tinitibok ng damdamin. Maaaring wala ngang kasiguraduhan ngunit hindi ba dito nasusukat ang pagmamahal na walang hanggan? Na gaya noong sinaunang panahon, nagpapagal, nag sasakripisyo at naglulustay ng taon o panahon upang makamtan lamang ang isang matamis na OO. Nagpapagal, naglulustay, umaasang hindi mawalang bahala ang lahat. Umaasang magiging tayo rin sa bandang wakas.
      Ngunit paano kung malaman na mayroon na pala siyang napupusuan? Hindi ba tunay na sakit ang mararamdaman? Maaari ngang nagawa mo na ang lahat ngunit ang lahat mo'y hindi sapat. Maaaring kaya mo siyang mahalin ng higit kanino man ngunit ang iyong higit ay kulang para sa kanya. Maaring kaya mo siyang pasayahin ngunit ang iyong pagsisikap bale wala na ang lahat. Sapagkat mayroong naka pukaw sa kanyang mga mata. Kahit masakit, kahit akala mo'y ang panahon ay naka pabor na sa iyo ngunit ang lahat ay akala lamang.
      Siguro maghihintay na lamang ulit ng matagal na panahon. Maghihintay, baka sakaling sila'y maghiwalay. Baka tayo'y magiging magkasintahang pang habang buhay.  Ang lahat ay baka ngunit hindi ba ito magandang sugal?
     Maaaring ang pagmamahal ng tunay ay para sa mga martyr. Ngunit ang lahat ng martyr ay napaparusahan at nagdurusa sa huli. Datapwat ang lahat ng martyr ay pinaglalaban ang kanilang minamahal, kahit na hindi ito pansin. Gagawin ang lahat makamtan ang tagumpay, kahit pansarili lamang.
Mahirap..
ngunit isa ako sa mga handang magparaya para lamang sa kanya.


                                                                                    - Para saiyo aking minamahal-

Sunday, November 10, 2013

Aral na aking napulot sa Patalastas ng Fita

            Habang ako'y nanonood ng telebisyon at laging nakukuha ang aking atensyon sa komersiyal ng Fita. Isa itong lalaki na pinag lalaban ang kahuli hulihang piraso ng Fita upang mapa sakanya lamang ito. Hindi ko alam bakit nga ba nakukuha ang aking atensyon at sa lahat ng aking napapanood na komersyal ay ito ang namumukod tangi sa aking puso. Habang pinag bubulayan ko kanina ay nakakuha ako ng isan napaka halagang aral.
           Sa buhay pag-ibig, kadalasan ay talamak ang pag sabi ng "Handa kong gawin ang lahat" ngunit hanggang saan nga ba ang iyong itatagal? Maging sanang halimbawa ang lalaking pnagtatangol ang kahuli hulihang biskwit na ayaw nya talagang mapunta ito sa iba. Ginagawa nya ang lahat kahit ilang beses man siyang umulit at mapahiya. Sa katunayan, puwede naman siyang bumili ng panibagong Fita ngunit hindi niya ito ginawa bagkus itinuring nya itong mahalaga sa kanya. Hindi niya kailanman ipamimigay ito kahit ang tadhana ay hindi naka sang ayon sa kanya. Sana sa bawat lalaking pumapasok sa mundo ng pag-ibig at lalo na sa mga nangako, matuto sana kayo mag sakripisyo at panindigan ang iyong ipinangakong gagawin mo ang lahat. Hindi sapat na dahilan upang bumitaw na at iwanan ang babae sa ere kung hindi naka sang-ayon sa iyo ang panahon. Pag sumikapan mong mabali at mabaliktad ang sitwasyon ng panahon. Huwag na huwag kang bibitaw kung nahihirapan ka sa iyong liniligawan at naisipang hahanap nalang ng iba dahil marami naman diyan. Kung ganyan ang iyon rason, kaibigan wala kang patutunguhan sa iyong buhay. Kahit hirap ka na sa panliligaw at tila bang ayaw talaga sa iyo ng iyong napupusuan, baliktarin mo ang sitwasyon. Kung ayaw ka niya, bigyan mo siya ng dahilan upang magustuhan ka niya. Gaya nung lalaki sa komersiyal, kahit ilang beses na siyang napahiya ay patuloy parin ang kanyang pakiki pag baka sapagkat para sakanya MAHALAGA ang kanyang pinaglalaban. Ang iyong pagsusumikap ay may bunga, hindi ito nababaliwala. Kung totoong nagsusumikap ka, makikita naman ng babae yan at hindi ka tagalan ay mahuhulog at mahuhulog rin siya sa iyo. "Walang matigas na puso sa mainit na pagmamahal". Maaring magtagal ngunit worth it naman lalo na pag nagbubunga na ang iyong pag tyatyaga.

           Maging modelo sana sa ating lalaki ang komersiyal na ito, na HUWAG BIBIGAY HANGGANG HINDI NAPAPA SA ATIN ANG ATING INIIBIG. Tiyaga at panahon lang ang mawawala ngunit sa oras na manalo ka, daig mo pa ang tumama sa lotto. Walang mahirap sa taong matiyaga. At kung tuna kang umiibig, walang mahirap sapagkat nagiging madali ang lahat dahil sa iyong minamahal. Panahon lang ang puhunan ngunit ang kaligayahan ay magpa kailan pa man.

Monday, October 7, 2013

The fear of Love

She asked "If I can?"
The fear of love, unravels.
I said "Yes, I can"
A doubt within, travels.

Afraid of falling.
The latter, afraid of breaking.
Both afraid of something..
Afraid of losing.

Sometimes, I doubt if I can.
And to know, I lack everything.
But one thing surely I can.
Is to love you more than anything..
And Everything..

In the end, we didn't met the expectation.
Our happy ending will never be into succession.
Though, our fate maybe miles apart.
Glad to hit that road, to be forever in your heart.

Tuesday, August 6, 2013

Ghost from the past


A person who we are once with.
Who once shakes our soul within.
Who made us feel loved.

But the memoirs of love that haunts.
A bygone feeling that once surrendered,
returning the agony, that it once brought.

 Let it be pass.
A winter season that will not be last.
After this cold season,
spring will take succession.

The beauty that can't be seen

I am a flower in a thorny ground.
A flower desires to glow,
but cannot.
A flower desires to grow,
but can't even sprout.
Choking and dying in this scarce land.

I want to show my signifance,
but how can I?
I want to express myself!
Please tell me how.
I am choking and dying in this compressed land.

I desire to till this land, but how can I?
I don't possessed even a single hand.
I desire to reveal my beauty! but how can I?
Limited I am in this dying land.

Patiently waiting for someone
 to clean this land.
Waiting for the right time,
to lighten this gloomy land.

I am a flower in a thorny land.
Looking for someone to offer a hand.
Someone, please!
Restore this dying land.

Thursday, June 13, 2013

Sino ba ako?


Sa bawat araw na ako'y bumabangon.
Bat tila bang walang pag ahon?
Ginagawa ko ang lahat,
Ngunit hindi parin sapat.

Kay tagal na rin akong nakatira sa mundong ito.
Kay daming suliranin na nagagawa sa bawat minuto.
Kung bibilangin kaya ang kasalanan ko,
Gaano karami na kaya ito?

Sino ba ako?
Bat ba ako nabuhay sa mundong ito?
Ano ang rason ko?
Sino ba ako?

- TO BE CONTINUED -

Tuesday, June 11, 2013

Aray ko..

     
         Ang bansang Pilipinas ay free country o kahit anong gusto mong gawin ay pwede mong gawin. Kaya sa ating bansa ay laganap ang mga third sex lalong lalo na ang mga beki. Hindi na makakaila na ang mga beki ay bahagi na sila ng ating lipunan at natutunan na ng mga tao na tanggapin kung sino sila. Ngunit malaking katanungan parin sa aking kaisipan kung bakit nga ba sinasabi ng mga judessa (beki) ang salitang "Aray kooh *boses na nang-aakit*" sa tuwing makakakita sila ng gwapong boylet.
        Sa dinami dami ng aking karanasan sa mga beki, andyan na ang paghabol nila sa amin, pag alok at pag sabi ng mga "killer combo". Ngunit sa mga karanasang iyan, namutawi parin sa aking balintataw ang killer combo. Killer combo ay ito yung binibitawan na linya sa tuwing makaka tanaw ng gwapong boylet ang isang beki, (pagsasalarawan) hihintayin niya itong mapalapit at bigla niyang bibirahin ng (nang-aakit) "Aray kooh~ (magkukunwaring matitisod) Naka (kulay ng damit ng gwapong boylet), kailan paaah?~". Nakakatawa na nakaka enganyong pakinggan ang killer combos sapagkat hindi ko mawari kung bakit nila pinag dugtong dugtong ang tatlong pangungusap na ito. Kay tagal ko na naririnig ang killer combo ngunit nagkakaroon parin ng katanungan sa aking balintataw kung bakit nga ba ganito ang kanilang linya. Marahil nasasambit nila ang ganitong linya sapagkat sa sobrang gwapo ng boylet ay bumibilis ang tibok ng kanilang puso na kung saan ito ang nagiging rason upang matisod sila at sa kadahilanang ibig nilang malaman kung kailan pa naging gwapo ang boylet kaya nila ito tinatanong.
          Ang mundo ng mga basi ay kumplikado na ang simpleng salita ay ginagawang kumplikado. Marahil siguro isa ito sa kanilang mga alien language na ginagamit lamang nila sa isa't isa. Kaya sa oras na maka rinig ka ng mga ganitong pag kaka tugma tugma ng mga linya, pare judessa na iyan. Pag ako'y nagkaroon ng pagkakataon upang maitanong sa kanila kung bakit nila ito sinasambit ay matatapos na rin sawakas ang sobrang haba kong katanungan sa aking kaisipan. Kaya tandaan! Sa oras ng kadiliman, killer combo ang iyong mapapakiramdaman.

Saturday, June 8, 2013

Liham ng pagtatapat bago umalis ang dating mahal.. (pupunta na siyang America)


               Hi Arrian, maraming salamat sa linaan mong oras sakin, pag inbita sa sov. Nag enjoy tlga ako ng una kitang maka seatmate sa church kahit may pagkakailang ngunit iba ka. Nakukuha mo ako sa mga ngiti mo . Yes, I really enjoyed the days na nagkatabi tayo lagi sa church. Sinasamahan pag wla akong kasama. Kahit minsan hnd mo ako pnapansin :)) pero okay lang. As long as na makita kita ok na :)). Ng mga times na malungkot ako dahil sa nabigo ako sa pag-ibig, andyan ka upang pasayahin ako kahit na hnd mo alam :)). Sa mga maliit na bagay na nagagawa mo na aappreciate ko. Lalo pa ako natuwa ng ininbita mo ako na maging escort sa sagala. Sinabi mo pangarap mo yun, pang DP mo sabi mo pa. Maligaya ako, dahil kasama kita upang tuparin ang mga pangarap mo. Dba alam mo naman na ikaw yung babaeng binabanggit ko ng shineshare ko ung lovestory ko hehehe. Then kahapon, pag kagising ko, nasa isip ko na yung despedida mo. Nalulungkot ako, una dahil wla na ako ka text. Pangalawa, wla na akong kasama pumunta sa sov. Pangatlo, wla na yung pinaka matamis na ngiti na nakita ko sa lahat ng tao. Pang apat, wla na ako inaasar. Papalapit na at papalapit na ang mga oras na iyong pag alis. Nakaka lungkot, dahil hnd ko man na sulit ang mga oras na huli tayo mag kasama. Siguro natatawa ka dahil hnd naman ako madramang tao at bihira lang ako mag sulat ng ganito. Siguro nadala lang ng bugso ng damdamin. Arrian siguro sa mga oras na nababasa mo ito, nasa ibang bansa kana. Kahit nasa ibang bansa ka na.. Andito ka parin, nasa puso ko at forever kanang andito. Arrian, gagawin kitang isang inspirasyon upang maka pagkamit ako ng matataas na marka sa darating na pasukan. Lola, Arrian, Sipunan, Liit kahit ano man ang tawag ko. Isa parin ang pagtingin ko sayo. Iyon ay ang MAHALAGA ka sakin magpakailanman. Sana alagaan mo yang baller na naibigay ko sayo, magsilbi snang alaala ang baller na yan sa mga oras na tayo ay magkasama. Naging mahina ako, dahil hnd ko na i cherish ang mga oras na tayo ay magkasama. Minsan binabalewala ko pa, tama nga ang kasabihan na "Nasa huli ang pagisisisi". Nakaka tawa, dahil nagmistulang patay ka na sa letter kong ito haha. Pero Arrian.. Siguro, mahal na kita. Hnd ko masabi dahil naguguluhan pa ako. Pero isa lang ang nasisiguro ko, Mahalaga ka sakin. Sna nagenjoy ka sa mga oras na linaan ko sayo. Ingat ka dyan . See you next year..

- Umamin siya rin sa akin bago siya umalis, na mahal nya rin ako ngunit pag dating nya doon. Nag bago na siya.  Sadyang hindi siya ang tinadhana para sa akin.



Thursday, May 16, 2013

Pag-ibig

                   
                    Pag-ibig.. Isang simpleng salita ngunit malakas ang sipa. Kay daming nababaliw ng dahil dito at karamihan ay nakakaranas ng tagumpay. Kay daming nalilito at naguhuluhan kung ano nga ba ang pag-ibig, ang iba naman ay inaakalang alam ang pag-ibig ngunit hindi naman pala. Ngunit ano nga ba ang pag-ibig?

                    Pag-ibig, hindi ito iyong kiliti na nararamdaman mo sa tuwing nakikita mo ang iyong napupusuan. Maari itong maihalintulad sa iyong cellphone. Ang cellphone ay nagbibigay ng kaligayahan, pampatanggal ng inip at iniingatan. Ang pag-ibig ay nagbibigay ng BUSILAK na kaligayahan. Sa bawat segundo, minuto o oras ay siguradong maligayang maligaya ang taong nakaka ranas ng pag-ibig. Kahit saan man magpunta, ano man ang nararanasan may kaligayahan na nadarama. Pampatanggal ng inip, hindi ito iyong pampalipas oras lamang ngunit ito ay iyong nagbibigay saiyo ng rason upang mabuhay pa. Ito iyong nagbibigay ng "entertainment" sa atin upang magpatuloy pa. Pag-ibig, ito rin iyong nagbibigay sa atin ng ibang klaseng pag-iingat. Gaya ng iyong cellphone, kung paano mo ito iniingatan upang hindi ito mahulog o magasgasan ganun din ang pag-ibig. Iniingatan na ayaw mong masaktan o mapahamak ang taong iyong iniibig. Halos gawin mo ng mani ang pagsabi sa kanya ng "Uy ingat ka". Gaya ng isang ina na inaaruga ang kanyang supling.

                     Sa dinami dami ng aking karanasan at sa aking pag-oobserba, madaming magkasintahan o magsyota ang walang PAG-IBIG. Maging sanang responsable at pagisipang mabuti bago pumasok sa pag-ibig. Tandaan, ang pag-ibig ay maaring idala tayo sa kapahamakan o sa katagumpayan. Mag-ingat at Umibig well :)).

Wednesday, April 3, 2013

Tatlong Taon

                                                                                                           
Ako'y isang tao na may lihim na pag tingin sa isang dilag.
  Isang babaeng kahit sinu man ay kaya nyang mabihag.
Ang kanyang mga mata na daig pa ang mga tala,
at ang kanyang ngiti na hind maipaliwanag ng kahit sino mang madla.
 
  Tatlong taon na pala ang naka lilipas, nung una ko siyang makita.
    Talagang sya'y ka akit akit sa aking mga mata.
    Ang dulot nyang ligaya sa akin ay akma sa kanyang ngalan.
   Naidudulot nya na busilak na ngiti sa aking mga labi na hnd maibibigay kahit sino man.

    Hindi ko lubos maisip na ikaw ay maka sama kahit saglit.
 Sadyang pangarap na lang iyon na mahirap makamit. 
 Hnd ko lubos na maisip na darating ang araw ikaw ay aking makaka usap. 
Kahit sa text lang, ok na!
Papatikimin kita ng kaligayahan na sa akin mo lang malalasap.

Lumipas ang ilang linggong ikaw ay aking nakaka usap
nang bigla kong nalaman na sa iyo'y may naganap.
O Diyos ko! Heto na ang aking pinapangarap.
Ang magustuhan ako ng babae ng aking panaginip,
Tila ba ako'y nananaginip.

Naging tayong magkaibigan na kinikilala ang bawat sarili.
Hindi ko lubos akalain nadarating ang oras upang ikaw ay mamili.
Napaka sakit dahil ang kanyang puso pala ay may iba ng nilalaman.
Ngunit kaya kong mag hintay, magpakailan pa man!

Dumating ang araw,
nalaman niyang siya pala ang nilalaman ng aking balintataw.
Tae! Hindi ko alam kung ano ang aking gagawin.
Wala na akong mukhang ihahaharap sa oras na siya'y aking kausapin.

Ito na ang parte na medyo ako'y nalungkot.
Ang dating kaligayahan ay napalitan ng matinding lungkot.
Ang pinaka susi sa aming komunikasyon ay nawala na.
Iniisip ko nalang na marami syang ginagawa sana.

Iniiwasan na basahin ang lumang mensahe upang hindi ko na mapuna,
Wala na talaga...
Wala na sya...
Kung kailan nya nalaman,
doon pa siya lumisan.

Takip mata kong pinupuntahan ang bahay sambahan.
Upang sa gayon ay hindi ko sya lubos na masilayan.
Hinaharap ko ang lahat ng nangyayari na may ngiti
ngunit sa likod ng nigit ay may kalungkutan na naka kubli.

Hahayaan ko na lang na lumipas ang panahon.
Baka sakaling maging tayo habang panahon.
Diba sabi ko naman sa iyo na maghihintay akong magpakailan pa man?
Hihintayin kita sapagkat ikaw ay mahal na mahal kong lubusan.