Saturday, June 8, 2013

Liham ng pagtatapat bago umalis ang dating mahal.. (pupunta na siyang America)


               Hi Arrian, maraming salamat sa linaan mong oras sakin, pag inbita sa sov. Nag enjoy tlga ako ng una kitang maka seatmate sa church kahit may pagkakailang ngunit iba ka. Nakukuha mo ako sa mga ngiti mo . Yes, I really enjoyed the days na nagkatabi tayo lagi sa church. Sinasamahan pag wla akong kasama. Kahit minsan hnd mo ako pnapansin :)) pero okay lang. As long as na makita kita ok na :)). Ng mga times na malungkot ako dahil sa nabigo ako sa pag-ibig, andyan ka upang pasayahin ako kahit na hnd mo alam :)). Sa mga maliit na bagay na nagagawa mo na aappreciate ko. Lalo pa ako natuwa ng ininbita mo ako na maging escort sa sagala. Sinabi mo pangarap mo yun, pang DP mo sabi mo pa. Maligaya ako, dahil kasama kita upang tuparin ang mga pangarap mo. Dba alam mo naman na ikaw yung babaeng binabanggit ko ng shineshare ko ung lovestory ko hehehe. Then kahapon, pag kagising ko, nasa isip ko na yung despedida mo. Nalulungkot ako, una dahil wla na ako ka text. Pangalawa, wla na akong kasama pumunta sa sov. Pangatlo, wla na yung pinaka matamis na ngiti na nakita ko sa lahat ng tao. Pang apat, wla na ako inaasar. Papalapit na at papalapit na ang mga oras na iyong pag alis. Nakaka lungkot, dahil hnd ko man na sulit ang mga oras na huli tayo mag kasama. Siguro natatawa ka dahil hnd naman ako madramang tao at bihira lang ako mag sulat ng ganito. Siguro nadala lang ng bugso ng damdamin. Arrian siguro sa mga oras na nababasa mo ito, nasa ibang bansa kana. Kahit nasa ibang bansa ka na.. Andito ka parin, nasa puso ko at forever kanang andito. Arrian, gagawin kitang isang inspirasyon upang maka pagkamit ako ng matataas na marka sa darating na pasukan. Lola, Arrian, Sipunan, Liit kahit ano man ang tawag ko. Isa parin ang pagtingin ko sayo. Iyon ay ang MAHALAGA ka sakin magpakailanman. Sana alagaan mo yang baller na naibigay ko sayo, magsilbi snang alaala ang baller na yan sa mga oras na tayo ay magkasama. Naging mahina ako, dahil hnd ko na i cherish ang mga oras na tayo ay magkasama. Minsan binabalewala ko pa, tama nga ang kasabihan na "Nasa huli ang pagisisisi". Nakaka tawa, dahil nagmistulang patay ka na sa letter kong ito haha. Pero Arrian.. Siguro, mahal na kita. Hnd ko masabi dahil naguguluhan pa ako. Pero isa lang ang nasisiguro ko, Mahalaga ka sakin. Sna nagenjoy ka sa mga oras na linaan ko sayo. Ingat ka dyan . See you next year..

- Umamin siya rin sa akin bago siya umalis, na mahal nya rin ako ngunit pag dating nya doon. Nag bago na siya.  Sadyang hindi siya ang tinadhana para sa akin.



No comments:

Post a Comment