Tuesday, June 11, 2013

Aray ko..

     
         Ang bansang Pilipinas ay free country o kahit anong gusto mong gawin ay pwede mong gawin. Kaya sa ating bansa ay laganap ang mga third sex lalong lalo na ang mga beki. Hindi na makakaila na ang mga beki ay bahagi na sila ng ating lipunan at natutunan na ng mga tao na tanggapin kung sino sila. Ngunit malaking katanungan parin sa aking kaisipan kung bakit nga ba sinasabi ng mga judessa (beki) ang salitang "Aray kooh *boses na nang-aakit*" sa tuwing makakakita sila ng gwapong boylet.
        Sa dinami dami ng aking karanasan sa mga beki, andyan na ang paghabol nila sa amin, pag alok at pag sabi ng mga "killer combo". Ngunit sa mga karanasang iyan, namutawi parin sa aking balintataw ang killer combo. Killer combo ay ito yung binibitawan na linya sa tuwing makaka tanaw ng gwapong boylet ang isang beki, (pagsasalarawan) hihintayin niya itong mapalapit at bigla niyang bibirahin ng (nang-aakit) "Aray kooh~ (magkukunwaring matitisod) Naka (kulay ng damit ng gwapong boylet), kailan paaah?~". Nakakatawa na nakaka enganyong pakinggan ang killer combos sapagkat hindi ko mawari kung bakit nila pinag dugtong dugtong ang tatlong pangungusap na ito. Kay tagal ko na naririnig ang killer combo ngunit nagkakaroon parin ng katanungan sa aking balintataw kung bakit nga ba ganito ang kanilang linya. Marahil nasasambit nila ang ganitong linya sapagkat sa sobrang gwapo ng boylet ay bumibilis ang tibok ng kanilang puso na kung saan ito ang nagiging rason upang matisod sila at sa kadahilanang ibig nilang malaman kung kailan pa naging gwapo ang boylet kaya nila ito tinatanong.
          Ang mundo ng mga basi ay kumplikado na ang simpleng salita ay ginagawang kumplikado. Marahil siguro isa ito sa kanilang mga alien language na ginagamit lamang nila sa isa't isa. Kaya sa oras na maka rinig ka ng mga ganitong pag kaka tugma tugma ng mga linya, pare judessa na iyan. Pag ako'y nagkaroon ng pagkakataon upang maitanong sa kanila kung bakit nila ito sinasambit ay matatapos na rin sawakas ang sobrang haba kong katanungan sa aking kaisipan. Kaya tandaan! Sa oras ng kadiliman, killer combo ang iyong mapapakiramdaman.

No comments:

Post a Comment