Thursday, May 16, 2013
Pag-ibig
Pag-ibig.. Isang simpleng salita ngunit malakas ang sipa. Kay daming nababaliw ng dahil dito at karamihan ay nakakaranas ng tagumpay. Kay daming nalilito at naguhuluhan kung ano nga ba ang pag-ibig, ang iba naman ay inaakalang alam ang pag-ibig ngunit hindi naman pala. Ngunit ano nga ba ang pag-ibig?
Pag-ibig, hindi ito iyong kiliti na nararamdaman mo sa tuwing nakikita mo ang iyong napupusuan. Maari itong maihalintulad sa iyong cellphone. Ang cellphone ay nagbibigay ng kaligayahan, pampatanggal ng inip at iniingatan. Ang pag-ibig ay nagbibigay ng BUSILAK na kaligayahan. Sa bawat segundo, minuto o oras ay siguradong maligayang maligaya ang taong nakaka ranas ng pag-ibig. Kahit saan man magpunta, ano man ang nararanasan may kaligayahan na nadarama. Pampatanggal ng inip, hindi ito iyong pampalipas oras lamang ngunit ito ay iyong nagbibigay saiyo ng rason upang mabuhay pa. Ito iyong nagbibigay ng "entertainment" sa atin upang magpatuloy pa. Pag-ibig, ito rin iyong nagbibigay sa atin ng ibang klaseng pag-iingat. Gaya ng iyong cellphone, kung paano mo ito iniingatan upang hindi ito mahulog o magasgasan ganun din ang pag-ibig. Iniingatan na ayaw mong masaktan o mapahamak ang taong iyong iniibig. Halos gawin mo ng mani ang pagsabi sa kanya ng "Uy ingat ka". Gaya ng isang ina na inaaruga ang kanyang supling.
Sa dinami dami ng aking karanasan at sa aking pag-oobserba, madaming magkasintahan o magsyota ang walang PAG-IBIG. Maging sanang responsable at pagisipang mabuti bago pumasok sa pag-ibig. Tandaan, ang pag-ibig ay maaring idala tayo sa kapahamakan o sa katagumpayan. Mag-ingat at Umibig well :)).
Subscribe to:
Post Comments (Atom)
No comments:
Post a Comment