Sunday, November 10, 2013

Aral na aking napulot sa Patalastas ng Fita

            Habang ako'y nanonood ng telebisyon at laging nakukuha ang aking atensyon sa komersiyal ng Fita. Isa itong lalaki na pinag lalaban ang kahuli hulihang piraso ng Fita upang mapa sakanya lamang ito. Hindi ko alam bakit nga ba nakukuha ang aking atensyon at sa lahat ng aking napapanood na komersyal ay ito ang namumukod tangi sa aking puso. Habang pinag bubulayan ko kanina ay nakakuha ako ng isan napaka halagang aral.
           Sa buhay pag-ibig, kadalasan ay talamak ang pag sabi ng "Handa kong gawin ang lahat" ngunit hanggang saan nga ba ang iyong itatagal? Maging sanang halimbawa ang lalaking pnagtatangol ang kahuli hulihang biskwit na ayaw nya talagang mapunta ito sa iba. Ginagawa nya ang lahat kahit ilang beses man siyang umulit at mapahiya. Sa katunayan, puwede naman siyang bumili ng panibagong Fita ngunit hindi niya ito ginawa bagkus itinuring nya itong mahalaga sa kanya. Hindi niya kailanman ipamimigay ito kahit ang tadhana ay hindi naka sang ayon sa kanya. Sana sa bawat lalaking pumapasok sa mundo ng pag-ibig at lalo na sa mga nangako, matuto sana kayo mag sakripisyo at panindigan ang iyong ipinangakong gagawin mo ang lahat. Hindi sapat na dahilan upang bumitaw na at iwanan ang babae sa ere kung hindi naka sang-ayon sa iyo ang panahon. Pag sumikapan mong mabali at mabaliktad ang sitwasyon ng panahon. Huwag na huwag kang bibitaw kung nahihirapan ka sa iyong liniligawan at naisipang hahanap nalang ng iba dahil marami naman diyan. Kung ganyan ang iyon rason, kaibigan wala kang patutunguhan sa iyong buhay. Kahit hirap ka na sa panliligaw at tila bang ayaw talaga sa iyo ng iyong napupusuan, baliktarin mo ang sitwasyon. Kung ayaw ka niya, bigyan mo siya ng dahilan upang magustuhan ka niya. Gaya nung lalaki sa komersiyal, kahit ilang beses na siyang napahiya ay patuloy parin ang kanyang pakiki pag baka sapagkat para sakanya MAHALAGA ang kanyang pinaglalaban. Ang iyong pagsusumikap ay may bunga, hindi ito nababaliwala. Kung totoong nagsusumikap ka, makikita naman ng babae yan at hindi ka tagalan ay mahuhulog at mahuhulog rin siya sa iyo. "Walang matigas na puso sa mainit na pagmamahal". Maaring magtagal ngunit worth it naman lalo na pag nagbubunga na ang iyong pag tyatyaga.

           Maging modelo sana sa ating lalaki ang komersiyal na ito, na HUWAG BIBIGAY HANGGANG HINDI NAPAPA SA ATIN ANG ATING INIIBIG. Tiyaga at panahon lang ang mawawala ngunit sa oras na manalo ka, daig mo pa ang tumama sa lotto. Walang mahirap sa taong matiyaga. At kung tuna kang umiibig, walang mahirap sapagkat nagiging madali ang lahat dahil sa iyong minamahal. Panahon lang ang puhunan ngunit ang kaligayahan ay magpa kailan pa man.

No comments:

Post a Comment