Thursday, June 13, 2013
Sino ba ako?
Sa bawat araw na ako'y bumabangon.
Bat tila bang walang pag ahon?
Ginagawa ko ang lahat,
Ngunit hindi parin sapat.
Kay tagal na rin akong nakatira sa mundong ito.
Kay daming suliranin na nagagawa sa bawat minuto.
Kung bibilangin kaya ang kasalanan ko,
Gaano karami na kaya ito?
Sino ba ako?
Bat ba ako nabuhay sa mundong ito?
Ano ang rason ko?
Sino ba ako?
- TO BE CONTINUED -
Tuesday, June 11, 2013
Aray ko..
Ang bansang Pilipinas ay free country o kahit anong gusto mong gawin ay pwede mong gawin. Kaya sa ating bansa ay laganap ang mga third sex lalong lalo na ang mga beki. Hindi na makakaila na ang mga beki ay bahagi na sila ng ating lipunan at natutunan na ng mga tao na tanggapin kung sino sila. Ngunit malaking katanungan parin sa aking kaisipan kung bakit nga ba sinasabi ng mga judessa (beki) ang salitang "Aray kooh *boses na nang-aakit*" sa tuwing makakakita sila ng gwapong boylet.
Sa dinami dami ng aking karanasan sa mga beki, andyan na ang paghabol nila sa amin, pag alok at pag sabi ng mga "killer combo". Ngunit sa mga karanasang iyan, namutawi parin sa aking balintataw ang killer combo. Killer combo ay ito yung binibitawan na linya sa tuwing makaka tanaw ng gwapong boylet ang isang beki, (pagsasalarawan) hihintayin niya itong mapalapit at bigla niyang bibirahin ng (nang-aakit) "Aray kooh~ (magkukunwaring matitisod) Naka (kulay ng damit ng gwapong boylet), kailan paaah?~". Nakakatawa na nakaka enganyong pakinggan ang killer combos sapagkat hindi ko mawari kung bakit nila pinag dugtong dugtong ang tatlong pangungusap na ito. Kay tagal ko na naririnig ang killer combo ngunit nagkakaroon parin ng katanungan sa aking balintataw kung bakit nga ba ganito ang kanilang linya. Marahil nasasambit nila ang ganitong linya sapagkat sa sobrang gwapo ng boylet ay bumibilis ang tibok ng kanilang puso na kung saan ito ang nagiging rason upang matisod sila at sa kadahilanang ibig nilang malaman kung kailan pa naging gwapo ang boylet kaya nila ito tinatanong.
Ang mundo ng mga basi ay kumplikado na ang simpleng salita ay ginagawang kumplikado. Marahil siguro isa ito sa kanilang mga alien language na ginagamit lamang nila sa isa't isa. Kaya sa oras na maka rinig ka ng mga ganitong pag kaka tugma tugma ng mga linya, pare judessa na iyan. Pag ako'y nagkaroon ng pagkakataon upang maitanong sa kanila kung bakit nila ito sinasambit ay matatapos na rin sawakas ang sobrang haba kong katanungan sa aking kaisipan. Kaya tandaan! Sa oras ng kadiliman, killer combo ang iyong mapapakiramdaman.
Saturday, June 8, 2013
Liham ng pagtatapat bago umalis ang dating mahal.. (pupunta na siyang America)
Hi Arrian, maraming salamat sa linaan mong oras sakin, pag inbita sa
sov. Nag enjoy tlga ako ng una kitang maka seatmate sa church kahit may
pagkakailang ngunit iba ka. Nakukuha mo ako sa mga ngiti mo .
Yes, I really enjoyed the days na nagkatabi tayo lagi sa church.
Sinasamahan pag wla akong kasama. Kahit minsan hnd mo ako pnapansin :))
pero okay lang. As long as na makita kita ok na :)). Ng mga times na
malungkot ako dahil sa nabigo ako sa pag-ibig, andyan ka upang pasayahin
ako kahit na hnd mo alam :)). Sa mga maliit na bagay na nagagawa mo na
aappreciate ko. Lalo pa ako natuwa ng ininbita mo ako na maging escort
sa sagala. Sinabi mo pangarap mo yun, pang DP mo sabi mo pa. Maligaya
ako, dahil kasama kita upang tuparin ang mga pangarap mo. Dba alam mo
naman na ikaw yung babaeng binabanggit ko ng shineshare ko ung lovestory
ko hehehe. Then kahapon, pag kagising ko, nasa isip ko na yung
despedida mo. Nalulungkot ako, una dahil wla na ako ka text. Pangalawa,
wla na akong kasama pumunta sa sov. Pangatlo, wla na yung pinaka matamis
na ngiti na nakita ko sa lahat ng tao. Pang apat, wla na ako inaasar.
Papalapit na at papalapit na ang mga oras na iyong pag alis. Nakaka
lungkot, dahil hnd ko man na sulit ang mga oras na huli tayo mag kasama.
Siguro natatawa ka dahil hnd naman ako madramang tao at bihira lang
ako mag sulat ng ganito. Siguro nadala lang ng bugso ng damdamin.
Arrian siguro sa mga oras na nababasa mo ito, nasa ibang bansa kana.
Kahit nasa ibang bansa ka na.. Andito ka parin, nasa puso ko at forever
kanang andito. Arrian, gagawin kitang isang inspirasyon upang maka
pagkamit ako ng matataas na marka sa darating na pasukan. Lola, Arrian,
Sipunan, Liit kahit ano man ang tawag ko. Isa parin ang pagtingin ko
sayo. Iyon ay ang MAHALAGA ka sakin magpakailanman. Sana alagaan mo yang
baller na naibigay ko sayo, magsilbi snang alaala ang baller na yan sa
mga oras na tayo ay magkasama. Naging mahina ako, dahil hnd ko na i
cherish ang mga oras na tayo ay magkasama. Minsan binabalewala ko pa,
tama nga ang kasabihan na "Nasa huli ang pagisisisi". Nakaka tawa, dahil
nagmistulang patay ka na sa letter kong ito haha. Pero Arrian.. Siguro,
mahal na kita. Hnd ko masabi dahil naguguluhan pa ako. Pero isa lang
ang nasisiguro ko, Mahalaga ka sakin. Sna nagenjoy ka sa mga oras na
linaan ko sayo. Ingat ka dyan . See you next year..
- Umamin siya rin sa akin bago siya umalis, na mahal nya rin ako ngunit pag dating nya doon. Nag bago na siya. Sadyang hindi siya ang tinadhana para sa akin.
- Umamin siya rin sa akin bago siya umalis, na mahal nya rin ako ngunit pag dating nya doon. Nag bago na siya. Sadyang hindi siya ang tinadhana para sa akin.
Subscribe to:
Comments (Atom)
