Ang hirap sa paghihintay ay iyong kung totoong mayroon ba itong kapupuntahan. Itong paghihintay ay para lamang sa mga martyr na handang magpakamatay, igugol ang buong buhay para sa minamahal. Gawain ng mga tunay na nagmamahal kahit na walang kasiguraduhan. Paghihintay sa pangarap natila bang papalapit na. Animo'y isang tala, na hinihintay upang bumaba. Handang ibuwis ang natatanging oras, upang maghintay sa minamahal. Kalimutan ang lahat, naka ligid na mga taga hanga, ngunit hindi pansin sapagkat sinusunduan ang tinitibok ng damdamin. Maaaring wala ngang kasiguraduhan ngunit hindi ba dito nasusukat ang pagmamahal na walang hanggan? Na gaya noong sinaunang panahon,
nagpapagal,
nag sasakripisyo at
naglulustay ng taon o panahon upang makamtan lamang ang isang matamis na
OO. Nagpapagal,
naglulustay, umaasang hindi mawalang bahala ang lahat. Umaasang magiging tayo rin sa bandang wakas.
Ngunit paano kung malaman na mayroon na pala siyang napupusuan? Hindi ba tunay na sakit ang mararamdaman? Maaari ngang nagawa mo na ang
lahat ngunit ang lahat mo'y hindi sapat. Maaaring kaya mo siyang mahalin ng higit kanino man ngunit
ang iyong higit ay kulang para sa kanya. Maaring kaya mo siyang pasayahin ngunit
ang iyong pagsisikap bale wala na ang lahat. Sapagkat mayroong naka pukaw sa kanyang mga mata. Kahit masakit, kahit akala mo'y ang panahon ay naka pabor na sa iyo ngunit ang lahat ay akala lamang.
Siguro maghihintay na lamang ulit ng matagal na panahon. Maghihintay, baka sakaling sila'y maghiwalay. Baka tayo'y magiging magkasintahang pang habang buhay. Ang lahat ay baka ngunit hindi ba ito magandang sugal?
Maaaring ang pagmamahal ng tunay ay para sa mga martyr. Ngunit ang lahat ng martyr ay napaparusahan at nagdurusa sa huli. Datapwat ang lahat ng martyr ay pinaglalaban ang kanilang minamahal, kahit na hindi ito pansin. Gagawin ang lahat makamtan ang tagumpay, kahit pansarili lamang.
Mahirap..
ngunit isa ako sa mga handang magparaya para lamang sa kanya.
- Para saiyo aking minamahal-