Saturday, November 3, 2012
Pang FAMAS ang PINOY!
Jeepney ang pangunahing transportasyon dito sa Pilipinas. Ito rin ang sumasalamin sa ating bukod tanging kultura. Sa simpleng pag papasa-pasa ng pamasahe ng isang pasahero ay nakikita na sa atin ang pagbabayanihan ngunit hindi lang pala dapat ito ang pansinin sa pagsakay ng jeepney. Sa simpleng paghihintay lang sa jeepney ay makikita mo na ang pang Hollywood na acting ng mga pinoy. Dito mo rin makikita ang iba't ibang paraan ng mga tao sa pakikipag komunika sa di-berbal na paraan.
Ang pag arte ng mga tao upang ipakita sa ating bayaning jeepney driver na hindi sila interesado sa pagyayaya nito na sumakay sa kanyang magarang dyipney. May iba't ibang paraan ang mga tao upang ipakita ang kanilang nasasadlak na damdamin. Ang pinaka popular na paraan ay ang pag tanggi ng literal. Dito mo makikita galing ng isang pinoy sa pag-arte bilang isang bida. Kalimitan ang mga pasahero ay naka ngiti, hindi maka basag pinggan na karakter o maaliwalas ang kanyang mukha. Ang pangalawa naman ay pinagtataasan ng kilay ang bayani nating driver. Dito pinapakita ang galing ng pag-arte sa pagiging kontra-bida. Kalimitan ay naka dikit na ang dalawang kilay, nanlilisik na mata o paglitaw ng ugat sa gilid ng kanyang noo. Ang pangatlo naman ay feel na feel na ang pagiging artista tila bang gusto na talagang pasukin ang pag aartista. Kadalasan ang makikita sa ganitong istilo ay nagkukunwaring may ginagawa ang isang tao, abala sa kanyang cellphone, maaring may hinahalukat sa kanyang bag o iba pang makaka pag pakita na hindi sila interesado na sumakay. At ang pinaka huli at pinaka malupit sa lahat ay ang pagkukunwaring walang nakikita na dumadaan na dyip at naka tanaw sa malayo na tila bang nag hihintay ng pagpapala na galing sa maykapal. Sa paraang ito dito mo dapat ibuhos ang lahat ng acting skills mo upang maging successful. Kinakailangan ng presence of mind, syempre yung pang hollywood na galing sa pag-arte at ang pinaka importante sa lahat ay ang hindi pagpapakita ng emosyon sa mukha.
Masyadong magagaling magkubli at magpakita ng saloobin ang mga Pilipino. Maparaan na kayang tapatan ang mga mala impaktong galing sa pag-arte ni Nora Aunor o kahit sino pang artista na iyong napupusuan. Dito napapatunayan na ang pag-arte ng mga Pinoy ay hindi lang para dito sa Pinas kundi pwedi ring ilaban sa ibang bansa. PANG FAMAS ANG PINOY!
Ayoko Diyan..
Yung pinaka masakit na sampal na aking natanggap ay yung pag sabi nyang "Ayoko Diyan". Masakit sapagkat ako ay nag mamahal ng tunay at umaasa. Masyado akong naging kalmado dahil akala ko tumatakbo na ang lahat sa magandang paraan ngunit hindi pala...
Masyado akong naging kampante. Masyado akong naging mayabang. OO! madami nga ang mga dilag na naka palibot sa aking buhay ngunit hindi ka ba magagalak sapagkat IKAW ang dahilan kung bakit ako nag sisikap upang sila'y mawala?
Gagawin ko ang lahat upang maging matuwid ako sa iyong harapan. Magsasakripisyo kung kinakailangan. Hindi ako nag bibiro nung aking sinambit na ako'y maghihintay kahit ilang taon. Pero ang lahat ng aking galak ay nawala, nawala ng parang bula. Nang dahil lang sa isang simpleng mensahe. Ika'y pinapatahan dito sa aking puso, ngunit ang sagot mo ay "Ayoko Dyan"..
Patawad....
dahil ako'y magbabago na...
Subscribe to:
Comments (Atom)